Pumalo na sa 90,000 ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa buong bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ang naturang bilang mula noong Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Mataas ito ng 23.3 percent kumpara sa bilang sa parehong panahon noong nakalipas na taon.
Pinakamaraming naitalang dengue cases ay sa region 4-A at region 3 sinundan ng region 10 at 12.
Ngunit ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, wala pang dahilan upang magdeklara ng state of calamity.
Dahil di hamak na mababa pa ito kumpara noong 2013 kung saan naitala ang 100,000 kaso ng dengue.
Albay
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Albay.
Ayon sa ulat, patuloy ang pagdagsa ng mga tao sa dengue fast lane sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).
Batay sa tala, papalo na sa 250 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero ng taong ito.
Gayunman, maliit pa rin ang naturang bilang kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
By Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 45) | Ralph Obina