Patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, head ng National Dengvaxia Task Force at regional director ng Department of Health (DOH) Calabarzon, pumalo na sa 208, 917 ang dengue cases sa bansa sa kasalukuyang taon kung saan 882 sa mga ito ang nasawi.
Mula aniya sa 188,000 cases noong nakaraang lingggo ay mabilis itong lumobo ng mahigit 12,000 cases sa loob lamang ng isang linggo.
NOW on #Sapol: Dr. Ed Janairo — Regional Director, DOH (Calabarzon)
: @dwiz882 kHz
: https://t.co/bGiRdamvIB
: https://t.co/k5dSd6Ml35— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 24, 2019
Dagdag pa ni Janairo, nasa 160 bata naman na naturukan ng dengvaxia ang nagka-denggue at kasalukuyan pang nasa ospital sa Calabarzon.
Update ko kayo doon sa numero sa bilang ng mga kaso, kahit na hindi maganda ang nagbibilang ng mga kaso, kailangan malaman din ng ating mga mamamayan na hindi pa rin tayo bumababa. So, yung 188 (thousand) po dati, after a week ay 208, 917 na,” ani Janairo.
Mandato aniya ng kanilang task force na hanapin at himayin ang kaligtasan at bisa ng mga naturukan ng dengvaxia at bantayan at alagaan ang mga batang naturukan na ng naturang bakuna dahil wala pa aniyang katiyakan kung ano ang epekto ng dengvaxia.
(Sapol Interview)