Lumobo na sa 145,341 ang kaso ng dengue sa bansa simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Kumpara ito sa 52,697 cases sa kaparehong panahon noong isang taon o mas mataas ng 105%.
Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan ng mga bagong kaso o halos 17,000 ay mula sa National Capital Region, CALABARZON at Cagayan Valley.
Mula sa kabuuang bilang, aabot na sa 461 ang death toll simula Enero 1 hanggang Agosto ngayong taon kumpara sa 181 dengue deaths sa kaparehong panahon noong 2021.
Samantala, muling pina-alalahanan ng DOH ang publiko na ugaliin ang pagsunod sa “4S” Strategy o Search and Destroy Breeding Places, Secure Self-Protection, Seek Early Consultation at Support Fogging o Spraying sa hotspot areas.