Tumaas ng 13.2 percent ang kaso ng dengue sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), pumapalo na sa 18,790 ang naitalang dengue cases hanggang noong Pebrero 20 kumpara sa 16, 606 noong isang taon.
Pinakamaraming kaso ng naitalang dengue ay nagmula sa Region 4-A na mayroong 3,182, sinundan naman ito ng Region 3 na nakapagtala ng 2,596 na kaso at pangatlo sa National Capital Region (NCR) na nagkapaglista ng 1,479 na kaso.
Sa kabila nito, muling tiniyak ng DOH na handa na sila sa paglulunsad ng bakuna kontra dengue sa mga estudyante ng mga napiling pampublikong paaralan sa Region 3, 4-A at NCR.
By Meann Tanbio