Umakyat na sa record-high na mahigit 3,100 ang dengue cases na naitala sa Cordillera Region simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Kumpara ito sa tinatayang 1,300 kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay Ursula Segundo, Entomologist mula Department of Health-Cordillera, ang Apayao Province ang may pinakamataas na naitala kung saan umabot sa 427 ang pasyente sa nakalipas na walong buwan kumpara sa 94 noong 2014.
Samantala, nagdeklara na ng dengue outbreak sa Bohol kung saan isa na ang nasawi at mahigit 100 na ang na-ospital sa loob lamang ng dalawang buwan.
Nagdeklara na rin ng outbreak sa Bulacan matapos sumampa sa 9 na bata ang mga nasawi sa mga bayan ng San Rafael, Malolos, Pulilan, San Jose del Monte, Norzagaray at Angat simula Enero hanggang unang linggo ng Setyembre.
By Drew Nacino