Tumaas pa ang kaso ng dengue sa buong Central Visayas.
Batay sa pinakahuling datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)-7, nakapagtala ang nasabing rehiyon ng 3,177 na kaso at 31 na nasawi.
Mula ang mga nabanggit na bilang ng mga kaso sa Cebu City, Lapu-Lapu City; Tagbilaran, Bohol, at mga bayan ng Talibon at Ubay.
Pinaalalahanan naman ng health unit ang publiko na regular na linisin ang kanilang kapaligiran at ang mga posibleng pamugaran ng mga lamok.