Sumampa na sa 969 ang dengue cases, kabilang ang 5 namatay, sa Davao City simula Enero hanggang sa unang bahagi ng Hulyo ngayong taon.
Ayon sa Davao City Health Office-Tropical Diseases Prevention and Control Unit, kontrolado naman nila ang sitwasyon ng dengue sa lungsod.
Gayunman, maaaring lumala ang sitwasyon kapag napabayaan at kulang sa kooperasyon ang publiko.
Muling ipinaalala ng City Health Office sa mga residente na manatiling alerto kontra dengue sa gitna ng maulang panahon.
Simula pa noong pagpasok ng taong 2022 ay pinaigting na ng City Health Office ang kanilang dengue surveillance sa mga barangay.