Lumobo na sa 654 ang naitalang dengue cases sa Davao City simula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Sa datos ng Davao City tropical disease prevention and control unit, tatlo sa mga nasabing kaso ang nasawi.
Tiniyak ni Melodina Babante, kinatawan mula sa nasabing tanggapan na pinaigting na nila ang kanilang information campaign laban sa nasabing sakit kasabay ng national dengue awareness month ngayong Hunyo.
Ayon kay babante, puspusan na ang kanilang tanggapan sa prevention at intervention efforts laban sa dengue at iba pang mosquito-borne diseases sa lungsod.
Kabilang na rito ang pakikipag-tulungan sa barangay units upang i-monitor ang mga komunidad na mayroong mataas na dengue cases, indoor residual spraying, pamamahagi ng dengue kits at pagbibigay ng NS1 dengue test kits para sa mga hinihinalang nagkasakit.
Samantala, muling pinaalalahanan ni Babante ang mga residente na ugaliing linisin ang kanilang mga komunidad upang maiwasan ang outbreak ng dengue.