Nakapagtala ng 81 cases ng dengue ang Dinagat Islands mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Dahil dito, ayon sa Provincial Health Office (PHO), mas pinaigting pa ng mga local government units (LGUs) ang pagsasagawa ng cleanup drive, partikular ang mga may naitatalang kaso upang makontrol ang pagkalat ng sakit.
Base sa datos, nakapagtala ang bayan ng Tubajon ng 19 na kaso, 17 sa San Jose, 14 sa Basilisa, at 11 naman sa munisipalidad ng Dinagat.
Samantala, inanunsiyo naman ng PHO na libre ang testing, admission, at treatment ng mga kaso ng dengue sa lahat ng mga district hospitals sa naturang isla.