Dumarami ang kaso ng dengue sa Kidapawan City, Cotabato.
Sa datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit mula noong Enero a-primero hanggang Mayo a-trese, umabot na sa 206 na kaso ang naitala sa lungsod.
Tumaas ito ng 1,066 percent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2021, kung saan labing walo lamang ang naitalang kaso ng dengue.
Nakapagtala ng mataas na kaso ang Poblacion na may 54; Sudapin na may 26; Balindog na may 17, Amas at Lanao na may tig-15 habang ang iba pang lugar ay mayroong isa hanggang dalawang kaso ng nasabing sakit.
Nasawi naman ang dalawang indibidwal sa naturang lungsod ngayong taon.
Kaugnay nito, magkakaloob ng libreng test para sa dengue patients ang lokal na pamahalaan, gayundin ang financial assistance package sa mga maa-admit sa ospital.