Bumaba ng 13% ang bilang ng kaso ng dengue sa Metro Manila sa unang bahagi ng taong ito.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), walang pinagkaiba sa bilang ng mga nasawi sa 27 mula sa kabuuang kaso na nasa mahigit 8,000 mula January 1 hanggang June 29.
Pinakamarami pa rin ang naitalang dengue cases sa Quezon City na nasa mahigit 2,000.
Sinundan ito ng lungsod ng Maynila na nasa mahigit 800 at mahigit 700 naman sa Caloocan City.
Kasabay nito, ipinaalala ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga ospital ang pag-prioritize sa mga pasyenteng may dengue at dapat ay mayroong dengue express lane ang mga ospital.