Unti-unti na umanong bumababa ang dengue cases sa National Capital Region.
Batay sa datos ng DOH – Metro Manila Center for Health Development, bumaba ng 12,869 ang kaso ng dengue NCR simula January 1 hanggang September 5.
Gayunman, mataas pa rin ito ng 111% kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon dahil kaunti ang mga taong lumalabas ng bahay.
Ayon kay Metro Manila CHD Assistant Director Dr. Aleli Sudiacal, nasa dalawampung porsyento o 2,544 ng total cases sa rehiyon ay pawang bata na edad 5 hanggang 9.
Dahil dito, umapela si Sudiacal sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran, partikular sa bahay upang maiwasan ang dengue na dala ng lamok, lalo ngayong tag-ulan.