Tumaas ng higit 1,000 ang kaso ng dengue sa National Capital Region o NCR ngayong taon kumpara noong 2016.
Ayon sa DOH o Department of Health, umabot sa 5,567 ang naitalang nagkasakit ng dengue sa NCR mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Dahil dito, ilalaraga ng ahensya ang community based immunization program sa Caloocan, Makati, Quezon City at Maynila mga lugar na may pinakamataas dengue cases sa Metro Manila.
Ngunit sa kabuuan, bumababa naman ang bilang ng nagkakaskait ng dengue sa buong bansa kumpara noong nakaraang taon.
By Rianne Briones