Pumalo na sa 173,233 ang kaso ng dengue sa Pilipinas magmula noong Enero 2022.
Ayon sa Department of Health (DOH), 191% itong mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon na may 59,514.
Sinabi naman ni Dr. Alethea De Guzman, director ng DOH epidemiology bureau, noong ikatlong linggo ng Marso 2022 nagsimulang tumaas ang kaso ng dengue sa Pilipinas, na nag-peak noong ikalawang linggo naman ng Hulyo.
Ang Central Luzon ang nanguna sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso ng dengue, sinundan ng Metro Manila at Calabarzon.
Samantala, hanggang nitong Oktubre 1 ay umakyat na sa 528 ang nasawi sa bansa dahil sa dengue o 0.3% na fatality rate.