Sumampa na sa 51,622 ang dengue cases sa bansa kabilang ang 239 na death toll simula Enero a–1 hanggang Hunyo a-18.
Sa datos ng Department of Health, ang nasabing bilang ngayong taon ay 58% na mataas kumpara sa 32,610 cases sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa DOH, pinakamaraming naitalang kaso ng dengue sa Central Luzon, 6,641; Central Visayas, 6,361 at Zamboanga Peninsula, 4,767.
Nakapagtala naman ng 13,075 cases sa loob lamang ng nakalipas na apat na linggo o simula Mayo a –8 hanggang Hunyo a – 18.
Pinaka-marami ang kaso ng naturang sakit sa Central Luzon, 1,826; Central Visayas, 1,570 at Cordillera Administrative Region 1,175.
Mayroon ding increasing trend sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, BARMM at CAR.
Samantala, 15 mula sa 17 rehiyon ang lumampas na sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo maliban sa Region 1 at CARAGA.