Walang balak ang Department of Health o DOH na palawakin pa ang dengue immunization program ng gobyerno.
Ito ay sa kabila ng pagtatapos ng inisyal na programa nito na pagbabakuna sa mga siyam (9) na taong gulang na mga estudyante sa pampublikong paaralan sa darating na Hulyo.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, hindi muna dadagdagan ang mga benepisaryo ng dengue vaccine dahil wala pang nakalaang budget para dito.
Bukod dito ay inaantabayanan pa ang ilalabas na rekomendasyon ng National Adverse Events Following Immunization Committee para sa naging resulta ng isinagawang immunization drive.
By Rianne Briones
Dengue immunization program di pa palalawakin was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882