Nagdeklara na ang Department of Health o DOH ng dengue outbreak sa lungsod ng Baybay sa Leyte.
Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng tatlongdaan at walong (308) kaso ng dengue sa lugar kung saan tatlo na rito ang namatay.
Una rito, nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Baybay ng “state of health emergency” para magamit ang calamity fund sa pagtugon sa patuloy na pagtaas ng nasabing sakit.
Samantala, aabot na sa 1,792 ang naitalang kaso ng dengue sa Eastern Visayas.
—-