Nagdeklara na ng Dengue outbreak sa Zamboanga City matapos sumirit ang kaso ng naturang sakit.
Ayon sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction Council pumalo na sa 893 ang dengue cases sa siyudad simula pa noong Enero a-1 hanggang Abril a-2.
Gumagawa na ng hakbang ang Department of Health (DOH) katuwang ang Center for Health Development of Zamboanga at Regional Epidemiology Surveillance Unit laban sa sakit.
Naglaan na rin ang City Government ng Dengue Fast Lanes at hiwa-hiwalay na silid sa mga ospital upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na ugaliing maging malinis ang kapaligiran at takpan ang mga nakaimbak na tubig upang hindi pamahayan ng mga lamok. — sa panulat ni Angelica Doctolero