Nagdeklara na ng dengue outbreak sa Zamboanga City dahil sa pagsirit ng kaso ng sakit sa lugar.
Batay sa datos, mahigit 2K na ang kumpirmadong kaso ng dengue sa siyudad mula Enero hanggang Mayo 14.
Sa nasabing bilang, labing siyam na ang nasawi sa nasabing sakit.
Dahil dito, pinaigting na ng mga otoridad ang fogging operations sa mga lugar sa siyudad na may mataas na dengue cases.
Maliban sa nabanggit na lugar, sinabi ng Department of Health – Region IX, na mataas rin ang kaso ng dengue sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur at Isabela City sa Basilan.