Sarado ang National Dengue Task Force sa muling pagbuhay sa pag gamit ng dengvaxia sa gitna ng idineklarang national dengue epidemic sa buong bansa.
Ayon kay National Dengue Task Force Chairman Eduardo Janairo, sa CALABARZON ay mayroong mga pasyente na naturukan na dati ng dengvaxia ngunit tinamaan pa rin ng dengue.
Sinabi naman ni Epidemiology Bureau Director Ferchito Avelino na hindi niya irerekomenda ang mass immunization gamit ang dengvaxia ngunit may opsyon naman aniya ang mga pribadong indibwal na magpabakuna kung kanilang nanaisin.
Dagdag pa ni Avelino, mismong ang mga magulang ng mga batang binakunahan ng dengvaxia ay tutol sa muling pag gamit nito.