Inamin ni dating Pangulong Noynoy Aquino na kung siya ang kasalukuyang punong ehekutibo ay ipapahinto rin niya ang Dengue vaccination program ng pamahalaan.
Sa joint hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Health, sinabi ni Aquino na mayroong pagbabago sa ipinangako ng Sanofi Pasteur nang dini-develop pa lamang ang kontrobersiyal na bakuna at sa naging statement nito noong Nobyembre ng nakaraang taon.
“Kung ako po ay nababahala pa ay dapat ihinto dahil parang hindi kaalinsunod doon sa deka dekada na sinasabing mga pagsusuri at yung mga resultang ipinakita”. Bahagi ng pahayag ni dating Pnoy
Samantala , nanindigan din si dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na may legal na basehan ang paggamit ng savings noon ng gobyerno mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund para mapondohan ang pagbili ng Dengvaxia.
“If an agency has unfilled position and received an allotment and unseeing for such vacancy, appropriations for such positions although unrelease may already constituent savings for that agency under the second instance”. Bahagi ng pahayag ni dating Budget Secretary Butch Abad
Pero ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno , hindi na uubra ang ganitong klase ng paggamit ng pondo ngayon.
“How do we define the meaning of savings, so savings out of MPDS and other unfiled positions can no longer be considered savings”. Bahagi ng pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno
Posted by: Robert Eugenio