Kinundena ni dating health secretary Janet Garin ang pagpapawalang bisa ng FDA o Food and Drug Administration sa certificate of product registration sa dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Garin na walang basehan ang pahayag ni FDA Director General Nela Puno na bigo ang manufacturer ng gamot na Sanofi Pasteur na magsumite ng kaukulang dokumento hinggil sa registration ng naturang bakuna.
Ayon pa kay Garin, matagal nang nagsu supply ng gamot ang Sanofi Pasteur sa DOH kaya imposibleng hindi alam ng manufacturer ang mga proseso at dokumento na kakailanganin ng gobyerno.
Naniniwala si Garin na ang pangunahing layunin ng FDA sa pagpapatupad ng permanent revocation ng CPR ay para idiin ito sa kinakaharap na kaso sa DPJ kaugnay sa dengvaxia controversy.
Maging ang iba pang doktor ay dismayado sa hakbang ng FDA na tinawag nilang injustice sa Filipino scientists.