Malabo nang makatugon sa epidemya ng dengue ang dengvaxia vaccine kung ngayon ito ilalabas sa merkado.
Ayon kay Dr. Edsel Maurice Salvana, director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng National Institute of Health, maaaring nakatulong ang dengvaxia kung inilabas ito, ilang buwan bago nagkaroon ng epidemya.
Sinabi ni Salvana na ang dengvaxia ay pantugon sa epidemya dahil kailangang makatatlong bakuna bago ito maging epektibo.
Ipinaliwanag ni Salvana na magiging malaking tulong ang dengvaxia upang maiwasan na ang epidemya ng dengue sa hinaharap.
Napatunayan na anya na epektibo ang dengvaxia kung ibibigay ito sa mga dati nang nagkaroon ng dengue o sa mga taong hindi nakakumpleto sa tatlong doses ng dengvaxia.