Itinuloy pa rin ng Department of Health o DOH ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga estudyante sa pampublikong paaralan kontra sa sakit na dengue.
Ito’y kahit pa walang natanggap na rekumendasyon ang DOH mula sa World Health Organization o WHO.
Ayon kay Dr. Rose Capeding, Microbiology Department Head ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM, ligtas naman ang mga bakunang dengvaxia sa mga bata.
Unang nakatanggap ng libreng bakuna ang mga estudyanteng may edad 9 na taong gulang mula sa Region 4-A, Region 3 at NCR.
By Jaymark Dagala