Suportado ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng libreng bakunang dengvaxia ng Department of Health (DOH).
Ito ay sa kabila ng kawalan ng rekomendasyon WHO sa paggamit ng DOH sa naturang bakuna.
Ayon kay WHO Country Representative Gundo Weiler, ang kawalan nila ng rekomendasyon ay hindi aniya makapipigil sa mga bansang gaya ng Pilipinas para ipatupad ang kanilang mga programang pangkalusugan.
Matatandaang ilang mga doktor mula sa National Academy of Science and Technology ang nagpahayag ng pagdududa sa kaligtasan ng dengvaxia, ang kauna-unahang dengue vaccine sa buong mundo na dito sa Pilipinas unang ginamit.
Kinontra ng naturang grupo ang implementasyon ng DOH ng P3 bilyong pisong programa para sa libreng bakuna dahil sa kawalan ng rekomendasyon mula sa WHO.
By Ralph Obina