Nakatakdang sumailalim ang aktres na si Denise Laurel sa isang surgery o operasyon.
Ito ay upang alisin ang nakitang cyst sa kanyang dibdib.
Ayon kay Denise, dahil matatapos na ang teleseryeng The Better Half na kanyang kinabibilangan ay makapagpapahinga na siya at maisasagawa na rin ang operasyon para tanggalin ang bukol sa kanyang dibdib.
Paliwanag pa ni Denise, bagama’t nakitang benign ang bukol sa kanyang dibdib ay nais niya pa rin ito ipatanggal.
Dagdag pa ng aktres, natakot din siya nang malaman na may bukol siya sa dibdib dahil una na rin aniya napansin ang pagkakaroon ng lumps sa lymph node at ovary.
Sinabi pa ng aktres na posibleng nakuha niya ang mga nasabing bukol dahil sa madalas na kakulangan sa tulog subali’t wala aniya siyang magawa dahil kasama sa kanyang trabaho ang magpuyat.