Nangunguna na si Asian Games Gold Medalist Dennis Orcollo at kapwa Filipino Cue-Artist Carlo Biado sa 2021 US Open Pool Championship sa Atlantic City, New Jersey.
Pinataob ni Orcollo, ang kanyang dalawang naunang kalaban na sina Miguel Medieta ng Argentina, sa score na 9-0 at Paul Spaanstra ng USA, sa score na 9-2.
Naungusan naman ni Biado, dating world champion, si Steve Fleming ng US, sa score na 9-2 at tinambakan si Vincent Beauvirage ng Canada, sa score na 9-3.
Gayunman, sunod na babanggain ng dalawang Pinoy ang mga alamat ng bilyar na sina Corey Deuel na haharapin ni Orcollo, at dating world number 1 Mika Immonen na sasagupain ni Biado.
Samantala, umabante na rin sa una at ikalawang round ang ilan pang Pinoy cue artists na sina Jeff De Luna, Roberto Gomez at Warren Kiamco. —sa panulat ni Drew Nacino