Napasakamay ni Filipino billiard player Dennis Orcollo ang kampeonato sa 2016 West Coast Challenge 10 Ball Championship na ginanap sa Fremont, California.
Tinalo ni Orcollo sa score na 2-0 ang kapwa Pinoy cue artist na si 2004 World Pool 9 Ball Champion Alex Pagulayan.
Dahil sa naturang panalo, nakapagbulsa si Orcollo ng 5,000 US dollars na cash prize habang 3,000 US dollars naman ang nakuha ni Pagulayan bilang consolation.
Ang nasabing kampeonato ay ika-walong titulo nang nakuha ni Orcollo ngayong taon.
By Judith Larino