Umalma ang aktor at komediyanteng si Dennis Padilla matapos ang naging rebelasyon sakaniya ng anak na si julia barretto.
Kasunod ito ng interview kay Julia sa ginawang Youtube vlog ni Karen Davila kung saan, hindi nagustuhan ni Dennis ang mga sinabi ng kaniyang anak.
Nabatid na sinabi Ni Julia na hindi pa siya handang papasukin muli sa kaniyang buhay ang kaniyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan at problema sa kanilang pamilya.
Ayon kay Julia, imbis na pagmamahal at pagprotekta ay galit at hinanakit lang ang kanilang natatanggap mula sa kanilang ama.
Samantala, sa instagram account ng aktor, agad siyang naglabas ng saloobin kung saan, sinabi niya na dinepensahan niya ang kaniyang mga anak at siya umano ang dapat takbuhan sa tuwing may pinagdadaanan ang mga ito at hindi ang ibang tao.
Dagdag pa ni Dennis, humingi na siya ng tawad sa lahat ng kaniyang nagawa at pagkukulang bilang isang ama pero nagalit pa umano ang mga ito sakaniya.
Nanawagan din ang komediyante kay Karen Davila na maging fair ito sa lahat at huwag maging one-sided.
Sa huli, umaasa si Dennis na maging siya ay i-interviewhin at hihingan ng kasagutan ni Karen hinggil sa isyu ng kanilang pamilya.