Lumagda sa isang memorandum of agreement o MOA ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at Aliw Media Group sa pangunguna ng Business Mirror.
Pinangunahan ni Business Mirror Publisher Anthony Cabangon at ALC Group of Companies Chairman D. Edgard Cabangon ang paglagda ng MOA kasama si Director Theresa Mundita Lim, Head ng Biodiversity Management Group ng DENR.
Nagkaisa ang Aliw Media Group na suportahan ang DENR sa kanilang kampanya para ipaalam sa mga Pilipino ang kahalagahan ng biodiversity at proteksyunan ang kalikasan.
“Kailangan po tayong magkaisa, ang DENR at sektor ng media para ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng biodiversity at proteksyunan ang kalikasan dahil ito po ang susi sa masamang epekto ng climate change” Ani Mundita Lim
Sinabi ni Lim na sa buong mundo ay iba’t ibang sakuna na may kaugnayan sa climate change ang nararanasan at kapag hindi natin pahalagahan ang kalikasan ay patuloy itong mananalasa sa buong mundo.
Ayon naman kay Business Mirror Publisher Anthony Cabangon, isang malaking pribilehiyo para sa Aliw Media Group na maging bahagi ng proyekto na ipaliwanag sa taong bayan na bigyan halaga ang programa ng DENR sa biodiversity.
—-