Nanawagan na ang DOH sa DILG at DENR na maglatag ng mga hakbang upang maiwasan ang pagdagsa ng mga bumibisita sa Manila bay dolomite beach.
Ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay upang mapigilan ang hawaan ng COVID-19.
Kailangan anyang ma-kontrol ng DILG at DENR ang buhos ng mga taong nagpupunta at bagaman pinapayagan ang outdoor activities, partikular sa Dolomite beach, isa pa rin itong uri ng mass gathering na dapat ay ipinagbabawal.
Inihayag din ni Vergeire na tinalakay na ang issue ng Departments of Health at Interior and Local Government upang matugunan ang sitwasyon.
Samantala, inabisuhan din ng DOH official ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standardsgaya ng physicial distancing, pagsusuot ng facemask at face shield upang makaiwas sa virus.
Matatandaang dinumog nitong weekend ng nasa 6k katao ang artipisyal na beach simula nang buksan ito sa publiko matapos ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila noong Oktubre 16.—sa panulat ni Drew Nacino