Hiniling ng grupong Philippine Movement for Climate Justice sa Korte Suprema na obligahin ang DENR o Department of Environment and Natural Resources at Department of Energy na ipatupad ang Clean Air Act.
Kahapon, dumulog sa high tribunal ang nasabing grupo kasama ang iba pang civil society groups para maghain ng petition for mandamus dahil sa kabiguan umano ng dalawang kagawaran na gampanan ang kanilang mandato na bantayan ang kalikasan.
Giit ng mga petitioner, bigo rin ang mga nasabing ahensya ng pamahalaan na papanagutin sa batas ang mga may-ari ng coal fired power plants na walang continuous monitoring system at continuous emission opacity systems na itinatakda ng batas.
Bigo rin ang DOE na makapagtaguyod ng green energy option program at hindi naipatutupad ng tama ang itinatakda ng renewable energy act para sa renewable portfolio standard rules.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
DENR at DOE pinakikilos para ipatupad ang clean air act was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882