Patuloy na binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalinisan sa lahat ng mga kilalang tourist destinations sa bansa.
Ito ay bilang paghahanda na rin ng ahensya sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, partikular na kanilang minomonitor ang kalinisan sa mga lugar paliguan sa lahat ng mga tourist destinations sa bansa at matiyak na hindi kontaminado ang mga ito.
Bukod dito, minomonitor din ng DENR ang tamang pagtatapon ng mga basura sa mga kilalang destinasyon sa bansa.
Maliban sa Boracay, kabilang sa mahigpit na binabantayan ng DENR ang mga popular na tourist destinations sa Palawan, Mindoro, Aurora, Zambales at Siargao kung saan may ipinatutupad na rehabilitasyon.
—-