Bumuo ng special task force ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA).
Ito ay upang bantayan at tutukan ang establisyimentong posibleng lumalabag sa environmental laws sa mga tourist spots sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro at maging sa El Nido at Coron sa Palawan.
Ayon kay DENR Mimaropa Director Natividad Bernardino, nakababahala na ang problema sa sewarage system at hindi magandang kalidad ng tubig sa Sabay Bay at White Beach sa Puerto Galera.
Dagdag ni Bernadino, lumabas din sa kanilang isinagawang inspeksyon na nasa 80 porsyento ng mga establisyimento sa El Nido ang walang wastewater discharge permits habang nasa 70 porsyento ang hindi regular na naglilinis ng kanilang septic tank.
RPE