Status quo muna ang mga nasunspindi at ipinasarang mining companies ni dating Environment Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, nais muna niyang malaman ang tunay na sitwasyon sa industriya ng pagmimina.
Posible anyang magpatawag siya ng reauditing pagkatapos ng gagawin nyang paglilibot sa mga minahan.
Matatandaan na mahigit sa dalawampung (20) minahan ang ipinasara noon ni Lopez dahil sa mga di umano’y paglabag sa batas sa pagmimina samantalang mahigit sa pitumpung (70) iba pa ang sinuspindi ang operasyon.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu
Kasabay nito, tiniyak ni Cimatu na hindi niya ikokompromiso ang kapakanan ng kalikasan sa mga negosyate.
Ginawa ni Cimatu ang pagtiyak sa harap ng mga reports na may mga opisyal ng mga minahan sa bansa ang nais na makipagkita sa kanya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu
Other environmental issues
Marami pang isyung pangkalikasan na dapat tutukan maliban sa pagmimina.
Tinukoy ni Secretary Cimatu, ang problema sa malinis na tubig, ang polusyon, basura, pagkakalbo ng kabundukan at maraming iba pa.
Sinabi ni Cimatu na unang unang naging direktiba nya sa kanyang mga opisyal ay tiyaking maipatutupad ng husto ang Clean Air Act.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu
To environmental groups
Inamin ni Environment Secretary Roy Cimatu na kulang ang kaalaman nya pagdating sa propesyonal na paghawak sa ahensyang may kinalaman sa kalikasan tulad ng dept of environment and natural resources.
Tugon ito ni cimatu sa pagtutol ng ilang environmental groups sa pagtatalaga sa kanya sa denr dahil sa kawalan umano ng karanasan sa mga isyung may kinalaman sa kalikasan.
Binigyang diin ni cimatu na sa kanyang personal na kapasidad ay mayroon naman syang naging kontribusyon upang pangalagaan ang kapaligiran.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Roy Cimatu
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)