Nagtataglay ng mataas na coliform content ang tubig sa Manila Bay.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ito ang dahilan kaya’t mapanganib ito sa kalusugan ng mga tao.
Dahil dito, nag-inspeksyon ang mga tauhan ng DENR sa mga estero sa Maynila para matukoy ang mga posibleng pinagmumulan ng dumi na tumatapon sa Manila Bay.
Natuklasan ng ahensya na walang treatment plan ang Manila Zoo kaya’t inatasan ng kalihim ang pamunuan nito na ayusin ang dinadaluyan ng dumi ng mga hayop.
Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.