Nagsanib pwersa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang labanan ang illegal logging at quarrying sa mga lalawigan.
Ayon kay Interior Spokesperson Jonathan Malaya, layon nitong maprotektahan ang nalalabing mga habitat at kagubatan ng bansa.
Isinulong ng DENR at DILG ang proyektong ito, makaraang ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte na imbestigahan ang punot-dulo ng naganap na malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela matapos ang typhoon Ulysses.
Sa isang joint statement, sinabi ng dalawang ahensya na nais nilang makipagpulong sa national anti-illegal logging task force na binuo ni Pang. Duterte sa pamamagitan ng Executive Order No. 23 series of 2011.
Magiging kasapi naman ng task force ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).