Dumipensa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa kanilang hiling na dagdag na 90 million pesos sa kanilang panukalang 23.13 billion pesos na budget para sa taong 2023.
Ayon kay Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga, sa nasabing dagdag na pondo, 60 million pesos ang mapupunta sa Office of the Secretary; 20 million pesos para sa national water resources; at 10 million pesos naman ang para sa mining monitoring.
Iginiit ni Loyzaga, na hindi lahat ng pondo ay ginagamit sa Office of the Secretary dahil ipinapasa ito pababa papunta sa lahat ng rehiyon para makapag-operate at makapagsagawa ng kanilang sariling mandato.
Matatandaan na ang panukalang budget ng ahensya para sa susunod na taon ay mas mababa kumpara noong 2022 Budget na umabot sa 25.4 billion pesos.