Gumagawa na ng hakbang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang matiyak na magiging sapat ang supply ng tubig sa bansa sa kabila ng dry season.
Ayon kay DENR Sec. Jim Sampulna, naghahanap na sila ng ibang mapagkukunan ng tubig gaya ng deep well at sisimulan na rin ang cloud seeding operation sa Angat Dam.
Hinikayat naman ni Sampulna ang publiko na maging responsable sa paggamit at pag-recycle ng tubig.
Matatandaang nauna nang naglabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng government-owned or controlled corporation, state universities and colleges at iba pang kagawaran ng pamahalaan na magtipid sa pagkonsumo ng tubig. —sa panulat ni Mara Valle