Nanawagan ang National Geological Institute kay Environment Secretary Gina Lopez na isapubliko ang dahilan ng pagpapataw nito ng parusa sa mga mining companies.
Kasunod ito ng kautusan ng kalihim hinggil pagpapasara sa may 23 mining companies at pagpapa suspinde sa limang iba pa.
Ayon kay Dr. Carlos Arcilla, Director ng National Institute of Geological Sciences ng UP o University of the Philippines, mahalagang mabatid ang dahilan para matukoy ng mga magiging geologist at engineer ang kahulugan ng responsableng pagmimina.
Naniniwala rin si Dr. Acilla na posibleng emosyon at impresyon lamang ang nagtulak sa kalihim upang i-utos nito ang pagpapasara at pagsususpinde sa mga naturang minahan.
By Jaymark Dagala