Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga lokal na pamahalaan na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga mabibigong mag- segregate o magbukod ng kanilang basura.
Ayon kay Undersecretary Benny Antiporda, hinikayat nila ang mga LGU na patawan ng minimum na multa na P1,000 ang mga hindi tatalima sa pagbubukod ng kanilang basura.
Layon nitong turuan ng disiplina ang mga mamamayan sa pagbubukod ng kanilang mga basura tulad na rin ng ipinag-uutos ng batas solid waste management act of 2020.
Kaugnay nito, dapat na paghiwa – hiwalayin ang mga basurang nabubulok, hindi nabubulok at residual waste.