Makikipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Department of Agriculture (DA) para magdaos ng isang pagsasanay sa mga nais na maging bihasa sa urban gardening.
Ani DENR Undersecretary Benny Antiporda, hinihikayat nila ang publiko na subukan ang pagtatanim.
Pagdidiin pa ni Antiporda, tiyak na makatutulong ang pagtatanim sa kaisipan o pagpapawala ng stress na duloy na kasalukuyang krisis dulot ng pandemya ng COVID-19.
Kasunod nito, paghahandaan din ng DENR ang plano nitong mamahagi ng iba’t-ibang seedlings.
Ani Antiporda, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya o kaya’t mag-message sa kanilang social media platforms.