Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na isagawa ang “environmental stewardship” sa pamamagitan ng lampas na pagpatay ng mga ilaw sa tradisyunal na oras bilang pag-obserba sa Earth Day bukas, Marso 26.
Ayon kay DENR Acting Secretary Jim Sampulna, kabilang dito ang pagsara ng computer, television, air conditioning units at non-essential lights mula 8:30 p.m hanggang 9:30p.m.
Samantala, sinabi ng kalihim na nangako ang gobyerno sa United Nations Framework Convention on climate change na tinatayang 75% ang inaasahang mababawas sa greenhouse gas emissions mula taong 2020 hanggang 2030. – sa Airiam Sancho