Hinimok ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na lumahok sa global Earth hour mamayang alas-otso-y-medya ng gabi hanggang alas-nwebe-y -medya ng gabi.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, sa kasagsagan ng Earth hour, sabayang papatayin ang mga ilaw at mga kagamitan na pinapagana ng kuryente.
Dagdag pa ni Cimatu, ito’y bilang pakikiisa ng bansa sa pagtulong sa ating kalikasan.
Mababatid na nagsimula ang Earth hour sa Australia noong 2007 at matapos ang isang taon kumalat na sa iba’t-ibang bansa ang tradisyong ito na pagpatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras.