Idinepensa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang DENR memorandum kung saan pinagbabawalan ang kanilang mga empleyado na mag post sa social media ng kritisismo sa pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DENR Usec Benny Antiporda, paalala lamang ito sa mga empleyado ng DENR hindi tamang gawain ng isang empleyado ng pamahalaan ang paglahok sa mga posts na may negatibong hashtags tulad na #oustduterte.
Sinabi ni Antiporda na hindi ito pagsikil sa kalayaan ng mga DENR employees na makapagpahayag.
Hindi naman ata aniya tama na binabatikos ng isang empleyado ng pamahalaan ang gobyerno kung saan siya nabibilang at kung saan sya sumusuweldo.
Si Antiporda ay miyembro ng media at naging Pangulo ng National Press Club bago naitalaga sa gobyerno.