Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinapayagan na ang mga batang mamasyal sa dolomite beach sa Maynila.
Ipinunto ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na wala namang lokal na ordinansang nagbabawal sa mga batang magtungo sa kontrobersyal na beach.
Gayunman, aminado si Antiporda na kung maglalabas ng kautusan ang LGU na magbabawalsa mga menor de edad sa paglabas ng bahay ay tuluyang ipagbabawal ang mga bata sa naturang pasyalan.
Nitong weekend ay umabot sa mahigit 6k katao, kabilang na ang mga bata, ang dumagsa sa dolomite beach, halos dalawang linggo matapos ibaba sa alert level 3 ang quarantine status sa NCR.—sa panulat ni Drew Nacino