Nagpapasaklolo ang DENR sa PNP para maimbestigahan ang tangkang pagpuslit sa dalawampu’t isang pangolin at labing anim na marine turtles sa Puerto Princesa, Palawan.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, naniniwala silang may malaking grupo ang posibleng nag o operate sa smuggling activities sa palawan na hindi nagpapatinad sa kasagsagan nang paghihigpit ng DENR para protektahan ang wildlife sa bansa.
Tiwala si Cimatu na sa tulong ng PNP ay mabibisto na ang mga personalidad na maaaring nasa likod ng smuggling ng mga hayop lalo na ng mga endangered na.
Kaugnay nito ikinalugod ni Cimatu ang mabilis na pagsasampa ng kaso laban sa driver ng truck na nagtangkang magpuslit ng mga pangolin at marine turtles.