Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kailangang limitahan ang mga papasok na turista sa Boracay.
Ayon kay DENR Secretary Jim Sampulna, ito ay upang hindi makompromiso ang kalinisan ng isla.
Dagdag pa ni Sapulna, maaaring maiwasan ang pagtaas ng Coliform Level ng dagat kung mapag-aralan ang tamang bilang ng mga turistang papasok sa Boracay.
Iginiit rin ng kalihim na dapat ay hindi lamang sa mga turista, kundi pati na sa lahat ng mga establisyimento gaya ng resorts, hotels, tindahan at restaurant, pairalin ang pagsunod sa Environmental Laws and Regulations. —sa panulat ni Mara Valle