Nagbabala ang DENR o Department of Environment and Natural Resources sa publiko na maging alerto ngayong papadating na ang mga migratory bird.
Ayon kay DENR – Biodiversity Management Bureau Director Theresa Mundita – Lim, iwasan na magkaroon ng close contact sa naturang mga ibon dahil posible itong magpalala pa sa bird flu outbreak.
Hindi rin aniya makabubuti kung huhulihin, susunugin o papatayin ang mga ibon na posibleng apektado ng naturang sakit.
Sa ngayon aniya ay nasa proseso pa sila ng pagpapadala ng sample sa Australian Animal Health Laboratory upang matukoy ang strain ng avian influenza na tumama sa mga manok sa Pampanga.
By Rianne Briones