Umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga taga-suporta ng mga kandidato para may 2022 national and local ele1ctions na iwasang maglagay ng mga campaign posters sa mga puno sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Chief Joselito Blanco ng Department of Environment and Natural Resources-Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) ng Palayan City, Nueva Ecija, dapat na sumunod ang mga supporters sa ipinatutupad ng pamahalaan at ilagay lamang ang mga campaign materials sa common posting areas.
Sinabi ni blanco na ang paglalagay, pagdidikit o pagpapako ng mga campaign posters sa mga puno ay isang paglabag sa section 3 ng presidential decree 953 kung saan, sinasabi rito na ang pagsira, pagsugat o pananakit sa kahit na anong uri ng puno ay may karampatang parusa.
Maari kasing makulong ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi hihigit sa dalawang taon o multa na hindi bababa sa limandaang piso o hindi hihigit sa limang libong pisong multa ang mga lalabag sa naturang ordinansa.
Nabatid na binigyang kapangyarihan ng batas ang denr upang tanggalin o alisim ang anumang materyal na nakakabit sa mga puno sa paraang nakakasira sa mga halaman dahil posible itong magkaroon ng fungi dahilan ng pagkakamatay ng mga puno.—sa panulat ni Angelica Doctolero